Yeng Constantino: Sinadya po namin ng asawa ko na wag munang magka-baby!

yeng constantino and yan

WALA pa sa plano ng singer/composer na si Yeng Constantino na magkaroon ng baby kahit two years na silang kasal ng mister niyang si Victor “Yan” Asuncion.

Aware din si Yan sa plano ng kanyang misis at naiintindihan daw siya ng kanyang mister.

“Sinadya po talaga namin na huwag po muna. Ito na po ata ang pinakahitik na taon sa buhay ko sa music industry. Kaya sabi niya, ‘Oh, okey lang Love. I will support you sa mga dreams na tutuparin mo pa.’

“Sabi ko, ‘Paano kung next year meron pa ring project?’ Sabi niya, ‘Then, we will just wait.’ Hay naku, ang bait po talaga ng asawa ko,” bungad ni Yeng.

Pero minsan kahit anong control ang gawin ng mag-asawa na hindi makabuo ng baby, may mga pagkakataon na bigla na lang silang ibe-bless ng anak.

“Kapag may dumating po, ayun po, sa Pinoy Boyband Superstar buntis po akong magdya-judge. Ha-hahahaha!” ani Yeng na ang tinutukoy ay ang bagong reality talent search ng ABS-CBN kung saan isa siya sa magiging hurado.

Sa true lang, hindi lang ulan ang bumubuhos na project kay Yeng ngayon. Lunes hanggang Sabado siya napapanood sa It’s Showtime bilang hurado sa Tawag Ng Tanghalan. Pagdating ng Linggo, nasa ASAP siya sa umaga at sa gabi naman ay nasa Pinoy Boyband Superstar ang singer.

Bukod diyan, ginawan rin siya ng kanyang manager na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment ng musical play titled “Ako Si Josephine: A Musical Featuring the Music of Yeng Constantino.”

Hindi nga napigilang umiyak ni Yeng noong mapanood niya ang ilang bahagi sa play noong press conference ng “Ako Si Josephine.” Overwhelmed si Yeng sa karangalan na magamit ang kanyang mga awitin sa isang musical play.

“Ang nasa heart ko lang, sobrang sarap maging Pilipino and I hope na ito pong project na ‘to makatulong sa atin. Ma-encourage pa ang maraming tao not just to listen to OPM but also na tangkilikin po ang teatrong Pilipino. Sobrang astig po talaga. Astig,” sabay hagulgol ng iyak sa stage ni Yeng.

 

Read more...