NAGBIGAY naman ng trivia si Yeng when we asked her kung ano ang feeling na ka-level na niya ang Aegis.
“After po ng ‘Rak of Aegis,’ nag-propose po sa akin si Yani pagkapanood namin. Tapos biglang after the show niyaya niya akong magkape. Ayun, nag-propose na siya after. Ang ano lang ng feeling, grabe!
“Three years ago nanonood kami ng ‘Rak of Aegis,’ hindi talaga maabot ng utak ko right now, ‘Uy, nandito na pala tayo.’ Tapos ‘yung word na icon, talagang, wow!” kwento ni Yeng.
Gaganap bilang Josephine sa stage play na ito si Via Antonio na hand-picked ni Yeng at bilang alternate naman si Maronne Cruz. Kasama rin dito sina Joaquin Valdez, Jon Santos, Ricci Chan at marami pang iba.
Ang Cornerstone Entertainment at ABS-CBN Events ang producers ng “Ako Si Josephine” habang ang buong produksyon naman ay pamamahalaan ng PETA. Magsisimula ang musical play sa Sept. 8 at tatagal hanggang Oct. 9 at mapapanood sa PETA Theater sa New Manila, Sunnyside Drive, Q.C..
Tickets are available at Ticketworld. Pwede silang tawagan sa 891-9999 or visit www.ticketworld.com.ph..