Payo ni Janice kay Inah de Belen: Anak, ma-pressure ka!

janice de belen

NATUTUWA ang young actress na si Inah de Belen kapag sinasabing malaki ang pagkakahawig niya sa kanyang inang si Janice de Belen o sa kanyang ama na si John Estrada.

At dahil nga alam ng lahat na anak siya ng dalawang magaling na artista, inaabangan na ang kanyang acting debut sa upcoming afternoon prime series ng GMA na Oh, My Mama.

Kwento ni Inah, excited na rin daw ang kanyang parents sa kauna-unahan niyang proyekto sa Kapuso Network. At hindi raw pinalagpas ng kanyang ina na si Janice na magbigay ng advice dahil nagsimula rin itong dramatic actress nu’ng kanyang kabataan.

“Biro nga niya sa akin, ‘Ma-pressure ka’. Sabi pa niya, kahit ano’ng mangyari sa career mo, always be humble and just be yourself. ‘Yun lang naman daw ang importante,” kwento ni Inah.

Wala rin daw isyu sa kanyang amang si John kung ang gamitin niyang screen surname ay De Belen at hindi Estrada. Naiintindihan naman daw ng daddy niya ang rason kung bakit kailangan niyang palitan ang kanyang apelyido.

In fairness, kapipirma lang ng kontrata ni Inah sa GMA heto’t meron na agad siyang sariling teleserye. Kaya kailangan nga niyang galingan sa Oh My Mama!

Read more...