Mocha kay Digong: Mr.President, please boycott the media again

mocha uson at duterte

UMEKSENA na naman ang sexy singer-blogger na si Mocha Uson sa pamamagitan ng kanyang Facebook account – hinikayat niya si Pangulong Rodrigo Duterte na i-boycott uli ang media dahil sa mali-maling pagbabalita ng mga ito.

“Mr. President, pls boycott the media again. Sinisira nila ang iyong imahe para sa kanilang pangsariling interes at pinapapangit ang imahe ng ating bayan sa ibang bansa.

“Marami pong mga ka-DDS [Duterte Diehard Supporters] na nagco-comment po na sana po ay iboycott niyo po uli ang mga BASTOS NA BAYARANG MEDIA,” ang mahabang pahayag ng eksenadorang si Mocha.

Ang mga maanghang na pahayag ni Mocha laban sa media ay nag-ugat sa walang tigil na pamba-bash kay Digong ng mga netizen dahil sa naging pahayag niya laban kay US President Barack Obama.

Read more...