DALAWANG araw matapos bombahin ang night market sa Roxas Avenue na kumitil ng buhay ng 14 katao at sumugat ng 68 iba pa, binuksang muli ng Davao City government ang nasabing lugar sa publiko.
Sinabi ni Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte na hindi masisindak ng terorismo ang mga residente ng lungsod.
“It would take 100 bombings for us to be cowed,” ani Inday Sara sa panayam sa TV.
Ang pagbobomba sa Davao City noong Biyernes ng gabi ay hindi kauna-unahan sa lungsod.
Maraming taon na rin ang nakararaan ng bombahin ng mga terorista ang Sasa Port at Davao City Bangoy Airport ka magkahiwalay na mga taon na ikinamatay ng marami.
Nakabangon ang lungsod sa dalawang trahedyang yun.
Madaling makabangon sa trahedya ang mga taga Davao City.
***
Ayaw sana ni Pangulong Digong na pumunta sa Laos kung saan gaganapin ang summit ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) dahil gusto niyang masubaybayan ang paghahanap ng mga tao na nagtanim ng bomba sa mataong lugar sa night market.
Pero nakumbinsi siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea na dumalo sa summit dahil kailangan ng bansa na tuparin ang mga international commitments.
Taong-bahay muna si Bingbong Medialdea habang nasa abroad ang pangulo.
Nasa mabuting kamay ang bansa sa ilalim ng pansamantalang pamamahala ni Medialdea.
***
Tatanggalin ng bansa ang import restrictions sa bigas sa isang taon, ayon sa Malacanang.
Ang pagbibigay ng import quota ay inabuso ng Department of Agriculture at National Food Authority noong mga nakaraang administrasyon.
Sa totoo niyan, isang dating opisyal ng NFA ang naging bilyonaryo dahil sa pagbibigay ng import rice quota sa mga smugglers.
Ang corrupt official ay humahawak ngayon ng isang lucrative position sa administrayong Duterte.
***
Si Energy Secretary Al Cusi ay nagiging praktikal lamang sa kanyang panukala na buksan ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na isinara noong panahon ni Cory Aquino kahit na hindi pa ito nabubuksan.
Ang nuclear power ay pinakamurang energy. Maaaring ito ang tugon sa kakulangan ng enerhiya sa bansa.
Mababaw ang dahilan ng Cory administration kung bakit hindi binuksan ang BNPP: Baka raw masira ito sa malakas na lindol at magkaroon ng nuclear disaster.
Ang tunay na dahilan ay galit lang si Cory Aquino kay Marcos.
Walang magandang ginawa si Marcos para sa relihiyosa pero mapaghiganting unang babaeng pangulo.
Kaya’t nadamay ang lahat ng mga proyekto ni Marcos, kasama na ang BNPP.
Para sa hindi nakakaalam, nagbabayad ng milyon-milyong dolyar sa utang para sa construction at pagmantine ng BNPP.
Bakit hindi na lang pakinabangan ng gobyerno ang BNPP sa pama-magitan ng pagbubukas nito?
***
Ang bureau of customs sa ilalim ng pamamahala ng dating Marine Capt. Nicanor Faeldon ay kulelat sa koleksiyon ng tarifa.
Si Faeldon ay walang kaalam-alam sa revenue collection.
Ang kanya lang alam tungkol sa pera ay pagbilang ng kanyang suweldo noon bilang kapitan ng Philippine Marines.
Hindi lang siya incompetent baka maging corrupt na rin siya dahil napapaligiran siya ng mga opisyal ng customs na may notorious na reputasyon.
May mga reports na ang kapatid ng isang retired Marine general na business partner ni Faeldon diumano sa isang security agency ay nangongolekta diumano ng tara sa mga well-known smugglers.
Ang mas masama pa nito, may dalawang tao na may mga palayaw na Ricky at Noel ang diumanoý nangongolekta ng tara para kay Finance Secretary Sonny Dominguez.
Na-shock si Dominguez nang makarating sa kanya ang report.
***
Kung hindi mapapalitan si Faeldon bilang commissioner very soon, mararanasan ng Bureau of Customs ang pinakamababang koleksiyon sa buong kasaysayan nito sa katapusan ng 2016.
Maraming nagtaka sa pagkakahirang ni Faeldon bilang chief ng No. 2 revenue collection agency ng gobiyerno (ang Bureau of Internal Revenue o BIR ang No. 1).
Ang self-made billionaire na si Bert Lina, na pinalitan ni Faeldon, ay isang honest at excellent manager.
Si Lina ay maprinsipyong tao. Isa siya sa mga nag-resign noong panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo matapos mabunyag ang “Hello, Garci” scandal.
Tinanggap ni Lina ang puwesto muli nang sabihin sa kanya na kailangan siya ng bureau.
Malaking pagkakamali ang pagpalit kay Lina bilang customs commissioner.
Pagpalit kay Bert Lina malaking pagkakamali
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...