Zoren pinagbawalan ni Carmina na magkwento tungkol kay BB

carmina villaroel at zoren legaspi

MIXED emotions kami nang aming mapanood ang mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa Gandang Gabi Vice last Sunday.

While we believe that their partnership is among showbiz’s role models, medyo naartehan at naging OA pa nga yung pag-reveal nila ng ilang impormasyon hinggil sa kanilang love affair.

The more kasi na pigil nang pigil si Carmina sa pagkukuwento ng asawang si Zoren sa mga nakaraan nilang buhay, the more tuloy na lumalabas ang kaeklayan niya kaya ang ending, nagmukha siyang bagets na hindi na nakapag-move on sa past.

Hello, matagal nang nae-enjoy ni Binibining Gandanghari o BB ang buhay niya bilang isang babae, in fact, kamakailan ay legal na nitong pinapalitan ang pangalang Rustom Padilla to BB Gandanghari na medyo ikinalungkot nga ng kanyang mga kapamilya.

Pero si Carmina kung makapag-relate ng pagpipigil sa asawa ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ugali na pala talaga niyang pigilan ang asawa sa pagsasalita, lalo na kapag iniinterbyu.
Hayan tuloy, nagkalkal ang mga millennial netizens ng kanyang “past” at napatunayang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapag-move on.

Ang feeling siguro ni Carmina, eh siya pa rin yung dating batang aktres sa dating sitcom na Palibhasa Lalake at sa pelikulang “13-14-15 Going Steady!” Ha-hahaha!

And yes, tama ang sinasabi ng mga millennial na “co-stars” lang kayo sa seryeng Till I Met You kaya huwag nang maging OA sa mga interview at huwag nang umeksena pa na parang kayo ang mga pambato at naghahakot ng audience for the top rating soap! Hay naku!

Read more...