Balang pangarap maging pulis at ballet dancer

balang

KAKAIBA ang ambisyon ng internet dance sensation na si Balang. Bukod sa pagiging zumba instructor, gusto niyang maging pulis at matutong mag-ballet.

Pero kinantiyawan siya ng press sa presscon ng bagong reality talent show ng GMA na #LIKE. Mataba raw siya para mag-ballet. “Grabe naman po kayo sa akin!” bulalas ni Balang.

Kasama sa show ni Balang si Tom Rodriguez na nag-premire last Saturday. Napanood namin ang ilang bahagi nito at nakakaaliw naman ‘yung featured dance groups.

Ayon kay Balang, mabait ang Kuya Tom niya. Ang madalas na lambing sa kanya ay himas-himasin ang tiyan niya tuwing taping breaks, huh!

Read more...