Kris wala sa Sunday pinasaya dahil kay Ai Ai?

kris aquino at aiai delas alas

WALANG Kris Aquino na umapir sa Sunday PinaSaya first anniversary presentation nitong nagdaang Linggo. Inaasahan kasi ng manonood na magiging special guest ang Queen of All Media sa nasabing programa pero tanging si Barbie Forteza bilang Krissy lang ang present.

Ang umeksena lang sa SPS anniversary ay ang phenomenal star na si Maine Mendoza.

Natural, isinaalang-alang lang siguro ng production ang magiging feelings ni Ai Ai delas Alas kung pinayagang lumabas si Kris. Eh, nu’ng presscon nga, hindi sumagot ang Comedy Queen sa tanong kung ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling maging guest nga ang kanyang “friendship” sa Sunday PinaSaya.

Pero malakas ang bulung-bulungan na pipirma na talaga si Kris sa GMA Network, huh! And one of these days daw ay magpapa-presscon na ang Triple A at GMA tungkol dito. Pero sabi nga namin, to see is to believe, huh!

Siyempre, away-bati man ang drama nina Ai Ai at Krissy sa segment ng SPS, nagpakilig naman ang dalawa towards the end of the segment. Maging ang kantang ginamit ay swak sa mga hugot lines ng mag-friendship.

Read more...