Horoscope, September 06, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging matagumpay ang buhay sa larangan ng pag-ibig at sa salapi. Tandaang kahit maraming pera, hinay-hinay lang sa pagasta. Sa halip ngayon palang pag handaan mo na ang nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 6, 14, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Silver at red ang buenas
Aries – (Marso 21-April 19) — Kung hindi pipigilan ang walang habas na pag-gastos lalong masisimot ang kabang-yaman. Sikaping magtipid. Sa pag-ibig, kung hindi patitikimin ng masarap na romansa ang kasuyo, darating ang araw na mawawala din siya. Mapalad ang 3, 9, 18, 23, 27, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag manisi ng kapwa, dahil madalas ka rin namang sablay! Sa pinansyal, at pag-ibig, ituloy ang pagiging mabait. Kapag lagi kang nagpapakabuti marami pang malalaking suwerte ang darating. Mapalad ang 6, 12, 22, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Wag samantalahin ang kabaitan ng iba! Kung paanong niloloko mo ang iyong kapwa, sa bandang huli ikaw naman ang lolokohin ng tadhana. Sa pag-ibig, maging tapat sa kasuyong Libra. Mapalad ang 8, 23, 28, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Gray at olive green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo ay may gantimpalang salapi sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap darating ang araw aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om.” Green at gray ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — “Makakaraos din!” – yan ang mahiwagang pormula, sa araw na ito, kusang makakaraos sa isang problemang may kaugnayan pera. Sa pag-ibig, “makakaraos din” at higit pa ngang mas magiging masarap ang romansa sa darating na mga araw. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Yellow at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Basta’t lagi ka lang magpaka-sipag kusa ka ring uunlad hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil ikaw din ay maraming pagkukulang. Mapalad ang 5, 17, 26, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Deva-Om.” White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Tama ang ginagawang paunti-unting pag-iipon, ngayon pa lang paglaanan na ang kapaskuhan. Sa pag-ibig, dahil sa isang maling balita may pagsubok na darating sa relasyon. Dapat na matutong magpakatatag at umunawa. Mapalad ang 4, 16, 25, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ngayon na ang panahon upang magsimula ng negosyo. Kumbinsehin ang kasuyong Libra na magsosyo kayo sa isang negosyong may kaugnayan sa pagkain at sa iba pang produktong pang-pasko. Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Green at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kalimutan na ang nakaraan. Higit kang mas magiging maligaya sa bagong pag-ibig na darating hatid ng isang lalaking nakasuot ng asul. Kung lalaki ka naman, ang bagong pag-ibig ay hatid ng isang babaing nakasuot ng kulay na pink. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Menggay-Agne-Om.” Olde rose at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Mas maraming magagandang kapalaran ang darating kung iiwasan ang pagyayabang. Kahit kumita ng malaking halaga, isikreto mo lang. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sa iyong kagandahan, mag-ingat sa isang Leo. Mapalad ang 3, 9, 23, 31, 41, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Malungkot ka na naman? Ikaw din ang may kasalanan, umiibig ka kasi ng bigay todo ang lahat ng iyong sarili. Sa susunod na pakikipag-relasyon, magtira ka naman ng pride upang hindi ka masyadong masaktan. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Deva-Om.” Violet at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag ng hintayin ang Pasko – now na, magsimula ka na ngayon! Sa halip na isip ng isip ng kung ano-ano, kumilos ka agad ng kumilos upang magkapera. Sa pag-ibig, walang “forever” kaya itigil na ang pagpapatansya ng isang masaya at perpektong relasyon. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kadab-Bra.” Yellow at green ang buenas.

Read more...