Wish ni Robin: Maaprubahan na ang US visa para masamahan sa panganganak si Mariel

robin at mariel

BONGGA ang baby shower para sa panganay na anak nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla na papangalanan nilang Ma. Isabella de Padilla.

Sa nakita naming Instagram post ni Mariel, larawan ito ng masayang-masayang buntis at asawa.
Pinasalamatan nito ang biyenang si Mommy Eva na ngayon pa lang ay super excited na sa paglabas ng kanyang ika-26 na apo.

Sa isang kilalang hotel ginanap ang baby shower na dinaluhan ng mga kapamilya nina Robin at Mariel at iba pang close friends nila gaya nina Vina Morales dala ang anak na si Ceana, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati with son Zion, sisters Anne and Jasmine Curtis na bitbit ang kanyang dyowa, at marami pang iba.

Lilipad daw patungong Amerika si Mariel anytime dahil gusto yata nitong sa US manganak at makapiling ang parents nito.

Si Robin naman daw ang pumili ng pangalan ng baby at siyempre pa ay looking forward ito na magkaroon na ng US visa para masamahan ang asawa sa panganganak nito sa kanilang panganay.

Read more...