Magkakabalikan pa ba? (2)

Sulat mula kay Joanne ng Mahayag, Agusan, Cagayan de Oro City

Problema:

  1. Mag iisang taon n asana ang relasyon naming ng boyfriend dko ang problema nitongJuly bigla kaming nagka-break ng boyfriend. Kaya sa ngayon magtwo-two months na,  na wala kaming kumunikasyon.  Labis akong nanghihinayang sa relasyon namin, kasi bigla na lang siyang nagalit at nagtampo, dahil sa isang maliit na bagay lang na hindi namin pinagkasunduan.
  2. Ang problema panay ang text ko sa kanya at tawag pero di naman niya sinasagot. Ako na nga  ang nagpapakababa at humihingi sa kanya ng sorry, pero bale wala pa rin, deadma lang siya sa mga ginagawa kong effort. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya kaming magkabalikan? Kung magkakabalikan kami, sana kami na at sana ngayon ng buwan na ito, kasi ang hirap naman ng walang boyfriend ganitong magpapasko pa naman. July 7, 1992 ang birthday ko at October 29, 1991 naman ang birthday ng boyfriend ko.

Umaasa,

Joanne ng Cagayan de Oro City

Solusyon/Analysis:

 Astrology:

Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible naman kayo ng boyfriend mo na isang Scorpio sapagkat ang Scorpio at Cancer ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong tubig o water. Ibig sabihin sa malapit na hinahanap, malaki ang tsansa na muli kayong magkakabalikan at tulad ng nasabi na sa Cartomancy ito ay magaganap sa buwan ding ito ng Setyembre.

Numerology:

Habang ang birth date mong 7 ay tugmang-tugma din sa birth date ng boyfriend mo na 29, kung saan ang 7 at 29 ay kapwa pinaghaharian ng planetang Neptune-Moon. Ibig sabihin sa pag-aanalisang Astro-Numerology, tugmang-tugma talaga kayong dalawa.

Luscher Color Test:

Upang hindi na muling magkahiwalay at upang pang habang buhay ng itala ang inyong relasyon, mas mainam kung gagamit kayong lagi ng kulay na berde. Ang nasabing kulay, ang magseselyo ng isang maligaya at pang habang buhay na relasyon.

 Huling payo at paalala:

Joanne ayon sa iyong kapalaran kung ikaw ay isang babaing medyo chubby, maganda na maputi, habang ang boyfriend mo naman ay may kayumangging kulay ng balat, tiyak na ang magaganap, sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Setyembre muli kayong magkakabalikan ng boyfriend mo upang sa panahong malapit na malapit na ang pasko, lalo pang umiinit at mas lalong magiging sweet at maligaya ang inyong relasyon na sa bandang huli ay kayo na rin ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.

Read more...