Aktres, dating asawa may ginagawang ‘milagro’

BLIND ITEM MF 0527DATING galit na galit sa nakahiwalay niyang mister ang isang kilalang aktres. Sobrang galit ang nakamarka sa kanyang mukha, nanggigigil siya sa pagsasalita, lalo na kapag ang sangkot nang babae sa kuwento ang itinatanong sa kanya.

Pero maraming nagtataka-nagtatanong ngayon kung ano na ang nangyari? Kailan lang ay nakita ang kanyang mga anak at ang nakahiwalay niyang mister na magkakasamang namamasyal sa isang mall.

Isa pang tanong, bakit biglang nagbitiw ang abogado ng aktres, meron kaya silang pinagtalunan, hindi kaya may hindi nagustuhan ang abogado sa mga pinaggagagawa ngayon ng aktres?

Kuwento ng source, “Nakapagtataka kasi, dati, sobra-sobra ang tindi ng galit niya sa ama ng mga anak niya, halos bumula na ang bibig niya sa sobrang galit!

“Pero lately, kapag ini-interview siya, e, ayaw na niyang magsalita, nasa korte na raw ang kasong isinampa niya, may gag order daw sila ng ex niyang mister.

“Nakakapanibago, dahil nasanay na ang mga tao na kapag nagsasalita siya, e, parang wala nang bukas, napakatindi ng mga pinakakawalan niyang comments!

“Pero ngayon, waley na, tahimik na siya at mukhang may milagrong nangyayari between them. Nagbitiw na rin ang lawyer niya, ano ito? Bakit biglang umalis sa eksena ang abogado niya?” kuwento ng aming impormante.

Kung anu-ano ang nangyayari ngayon ay ikinagugulo rin ng isip ng mga kaibigan ng aktres na todo ang pagsuporta sa kanyang laban.

“Mukhang mauubos ang mga friends niya dahil isa-isa nang naglalayuan sa kanya ang mga ‘yun. Nawiwindang din siguro sila sa mga turn of events! Mukhang hindi na sila pinakikinggan ng girl.

“Bradly Guevarra, pakitanong nga si Tita Nene Ulanday kung gustung-gusto na rin niyang makakita ng pagsikat ng araw after the rainy days?” pagtatapos ng aming source.

Read more...