Coco, Onyok, Kim, Gerald, Luis puring-puri ng mga Pinoy sa US

asap

“SANA dalhin din ang ASAP dito sa Chicago (Illinois), manonood talaga kami!” Ito ang sabi sa amin ng isang kaanak namin sa nasabing bansa.

Kasi naman balitang-balita bossing Ervin na super-ganda ng ASAP concert sa New York na ginanap nitong nagdaang Linggo.

Alas dos ng madaling araw ay katsikahan namin ang mga tita at kaibigan namin tungkol sa ginanap na ASAP tour sa New York na ginanap sa Barclay Center, ang saya-saya raw ng show at tuwang-tuwa sila dahil ang gaganda ng production numbers at, “Ang guguwapo at ang gaganda ng artista ng ASAP,” sabi sa amin.

Pebrero pa lang ay kinukulit na kami ng mga kamag-anak at kaibigan namin sa NYC at New Jersey nang malaman nilang sa Barclay Center gaganapin ang ASAP, nagtatanong sila kung kelan magbebenta ng tickets dahil gusto na nilang bumili kaagad.

Natawa naman ‘yung taga-ASAP na pinagtanungan namin dahil Pebrero pa lang noon, e, July pa raw magre-release ng tickets.

Tuwang-tuwa rin ang mga kaanak namin at kaibigan kay Onyok ng FPJ’s Ang Probinsyano na unang beses makarating sa ibang bansa (at New York kaagad ang destinasyon). Ang taray daw pala talaga ni bagets dahil napakabibo nito.

Kasama ni Onyok si Coco Martin sa US na most requested daw ng mga Pinoy doon dahil sa top rating show na Ang Probinsyano.

Bait na bait din sila kay Gerald Anderson na talagang lumapit pa sa audience para magpa-picture.
Samantala, nagpapasalamat ang mga kababayang Pinoy sa New York sa The Filipino Channel o TFC sa pagdala ng ASAP doon dahil once in a lifetime nga lang daw ito.

“Bago pa ang ASAP, nakita namin ‘yung ibang artists dito sa Manhattan, naglilibot sila, para silang hindi artista, looks ordinary at mababait, laging naka-smile kapag may mga nasasalubong silang Pinoy,” kuwento sa amin.

Aliw na aliw din daw silang panoorin ang mga performers ng ASAP na nakasama sa nasabing tour habang nagpapa-picture sa Brooklyn bridge.

Kuwento pa sa amin, “Ang cute nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sobrang ganda rin ni Liza Soberano, ang galing ng Birit Queens, tsaka ang pogi ni Gerald, bagay talaga sila ni Kim Chiu. Tawa rin kami nang tawa dahil kay Luis Manzano.”

Kudos sa lahat ng bumubuo ng ASAP at sa TFC dahil sobrang pinaligaya n’yo ang mga kababayan nating mga Pinoy sa New York. Sana nga ay marami pa kayong mabisitang bansa kung saan maraming Pinoy.

Read more...