Mark ilang beses binasted ni Winwyn bago sinagot

wynwyn marquez at mark herras

ANG real-life celebrity couple na sina Mark Herras at Winwyn Marquez ang susugod ngayong Miyerkules sa Tonight With Arnold Clavio.

Sa kanilang kauna-unahang pagbisita sa TWAC bilang magkasintahan, umaatikabong bukuhan ang magaganap. Malalaman kung ilang beses munang nabasted si Mark bago naging girlfriend si Winwyn at kung paano siya nagpursige para ma-“win” ang puso ng dalaga.

Sisilipin din ang mga post nila sa kani-kanilang social media accounts na para na ring nagkukuwento ng kanilang love story, at sasalang din ang dalawa sa isang compatibility test upang malamang kung gaano sila nagkakapareho at nagkakaiba.

At dahil kapwa magaling na dancer, siguradong masusubukan sila sa bagong game na “Feelings mo, Isayaw Mo!”

Tutok na sa Tonight With Arnold Clavio ngayong Miyerkules, 10:15 p.m., sa GMA News TV.

Read more...