Magkakabalikan pa ba?

Sulat mula kay Joanne ng Mahayag, Agusan, Cagayan de Oro City
Dear Sir Greenfield,
Mag iisang taon n asana ang relasyon naming ng boyfriend dko ang problema nitongJuly bigla kaming nagka-break ng boyfriend. Kaya sa ngayon magtwo-two months na, na wala kaming kumunikasyon. Labis akong nanghihinayang sa relasyon namin, kasi bigla na lang siyang nagalit at nagtampo, dahil sa isang maliit na bagay lang na hindi namin pinagkasunduan. Ang problema panay ang text ko sa kanya at tawag pero di naman niya sinasagot. Ako na nga ang nagpapakababa at humihingi sa kanya ng sorry, pero bale wala pa rin, deadma lang siya sa mga ginagawa kong effort. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya kaming magkabalikan? Kung magkakabalikan kami, sana kami na at sana ngayon ng buwan na ito, kasi ang hirap naman ng walang boyfriend ganitong magpapasko pa naman. July 7, 1992 ang birthday ko at October 29, 1991 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Joanne ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Walang problema Joanne kung saan, sa malapit na hinaharap, malamang na magkabalikan na kayo ng boyfriend mo, dahil iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, darating ang saktong panahong muli kayong magkakabalikan basta sa ngayon wag ka lang manghinawa sa pagte-text at pangungumusta sa boyfriend mong matampuhin dahil darating ang araw babatiin ka rin niya.
Cartomancy:
Nine of Hearts, King of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration1.) ang mga baraha ang nagsasabing matutupad ang hiling or wish mo ngayong buwan din na ito ng Setyembre at magugulat ka matapos kayong magka-balikan ng boyfriend mo lalo pa siyang magiging sweet at mas magiging malambing pa sa iyo.
Itutuloy….

Read more...