Ruru Madrid, Gabbi Garcia nag-level up na ang akting sa Encantadia

gabbi garcia at ruru madrid

Photo courtesy of gmanetwork.com

GABI-GABI pa ring trending topic sa social media ang mga eksena sa fantaseryeng Encantadia ng GMA 7. Bukod sa maaaksyon at madadramang tagpo, inaabangan din ng viewers ang mga nakakakilig na eksena nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

In fairness, talagang inaabangan ng mga Kapuso sina Gabbi at Ruru dahil refreshing panoorin ang kanilang loveteam bilang sina Ybarro at Alena. Malakas ang chemistry ng dalawa on screen at masasabing napakalaki na rin ng improvement sa kanilang akting, as in talagang nag-level na sila mula sa pa-tweetums nilang image.

Samantala, sa pagpapatuloy ng Encantadia sa GMA Telebabad, narito ang kailangan n’yong tutukan ngayong gabi.

Hindi pa rin maniniwala si Asval (Neil Ryan Sese) sa katauhan ni Ybarro (Ruru Madrid), at pagbibintangang magnanakaw pa ang binata ng kalasag. Kukunin ito ng mga Sapiryan pero hirap na hirap sa pagbuhat.

Ngunit nang si Ybarro na ang bumuhat nito ay walang kahirap-hirap. Magugulat ang mga Sapiryan, siya nga raw si Ybrahim. Luluhod ang lahat kay Ybarro. hindi makapaniwala si Asval.

Magbabakasakali si Muyak (Klea Pineda) at babalik sa lagusan, makikita niya si Alena (Gabbi Garcia). Ngunit nang dumating si Hitano (Pancho Magno) at tinawag siyang Akeesha, ay magtataka si Muyak. Susundan pa rin niya ito para manigurado.

Sa halip na magalit at pagtangkaan ni Asval si Ybarro, kakaibiganin niya ito nang sa ganu’n ay magamit niya si Ybarro upang makuha ang lahat ng ninanais niya. Lalapitan ni Asval si Ybarro para iprisinta ang sarili bilang tagapayo. Maaalala ni Ybarro ang sinabi ng ama na ibangon niya ang Sapiro, kaya pumayag si Ybarro kay Asval.

Ihaharap sa konseho si Danaya (Sanya Lopez). Di makapaniwala sa mga paratang sa kanya ng mga magsasaka, lalo na nang sabihin ni Muros (Carlo Gonzalez) na sinugod sila ni Danaya. Ipinagtanggol man siya ni Aquil (Rocco Nacino), di pa rin siya sigurado dahil nawalan ito ng malay nung magkasama sila ni Danaya.

Nakigatong pa si Pirena (Glaiza de Castro) sa pagtatanong kay Danaya sa harap ng konseho, hanggang sa humantong sa pag-aakusa na nawala ang tungkod ni Imaw nang nalaman ni Danaya ang kapangyarihan nito, na di kaya si Danaya rin ang pumatay kay Alena. Nagulantang ang lahat.

Habang lihim na nag-uusap sina Gurna (Vaness del Moral) at Pirena sa mga plano nila para pabagsakin si Amihan at Danaya, ay maririnig ito ni “Lira” (Kate Valdez) at magtatangkang isumbong sila kay Amihan. Pipigilan ni Pirena si “Lira” at sasabihing siya ang tunay na ina nito.

Read more...