Devon Seron kay James Reid: May dahilan kung bakit hindi naging kami!

devon seron at james reid

TULAD ng Kapamilya actress na si Yen Santos ay first time ring gagawa ng pelikula si former PBB teen housemate na si Devon Seron sa Regal Films.

Pumirma ng kontrata sa Regal ang dalaga kamakailan at makakasama nga siya sa pelikulang
“Pwera Usog”.

Sa mga hindi pa nakakaalam naging parte ang aktres ng Pinoy Big Brother Teen Clash Edition 2010 at naging katambal pa noon ni James Reid na siyang itinanghal na big winner.

Sabay pumirma sina Yen at Devon ng 4-movie contract sa Regal at tinawag silang Regal Millennial babies nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo.

Pero ayon kay Devon ay hindi naman siya napabayaan ng ABS-CBN dahil marami naman siyang TV guestings at shows.

“Tiis-tiis lang naman po at thankful po ako kasi nakakapag-provide pa rin ako sa family ko maski paano,” say ng dalaga.

Napapanood si Devon sa seryeng Be My Lady nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, ka-loveteam niya rito si RK Bagatsing.

Samantala, speaking of James Reid, sila ni Devon ang magka-loveteam noon sa loob ng Bahay ni Kuya at nagkahiwalay na nang lu-mabas na sila sa PBB house. Masaya naman daw ang dalaga sa tinatamasang tagumpay ngayon ng boyfriend ni Nadine Lustre.

Muli raw silang nagkita ni James sa ASAP kamakailan pero hindi naman sila nakapag-usap nang matagal. Nagkumustahan lang daw sila dahil kaagad nang tinawag ang JaDine para sa production number nila.

Sa tanong namin kay Devon kung hindi siya nanghinayang sa loveteam nila ni James, “Hindi naman po, happy ako sa kanya kasi baka may dahilan naman kaya hindi kami at baka hindi rin okay kung ako. Saka ‘yung blessings niya ngayon ay dahil din sa partner niya (Nadine),” kuwento ng dalaga.

Hindi pa rin nakikilala ni Devon si Nadine dahil sandali lang silang nagkita sa ASAP, “First time ko lang din po nakita in person si Nadine at maganda po, morena.”

Tulad ni Yen ay single rin si Devon at no boyfriend since birth dahil mahigpit ang magulang niya at panay nga ang li-ngon niya sa likod habang tinatanong namin tungkol sa lovelife niya. “Andiyan si mother, very strict. Ha-hahaha!” natawang sabi ng dalaga.

Sa edad na 22 ay aminadong hindi pa naman siya naghahanap ng boyfriend dahil choosy po kasi ako sa work,” esplika ni Devon. Dugtong pa niya, “Marami pa kasi akong gustong gawin po sa buhay at saka baka hindi ko ma-handle ang career at lovelife if ever.”

At ang mga crush niya sa showbiz ay sina Sam Milby, Enchong Dee, Piolo Pascual at Coco Martin. Gusto rin niyang makatrabaho ang mga ito.

Inamin din niyang hindi siya ligawin, “Marami po akong friends na boys, baka kasi iniisip nila, I’m one of the boys, pero hindi po ako tomboy.”

At wala rin daw nagpaparamdam na tomboy sa kanya, pero humahanga raw siya sa magagandang girls, “Kasi like sobrang ganda, iba ang beauty tulad nina Liza Soberano, Bea Alonzo, Ylona Garcia, iba ‘yung beauty nila, pero hindi po ako tomboy,” paliwanag ni Devon.

Read more...