‘Si Angel pa rin ang perfect mag-Darna! wala sa edad yan!’

 

HMMMM, bakit nga ba tila nawala na ang excitement namin sa muling paglipad ni Darna sa pelikula?

Siguro dahil na rin sa sobrang na-play up ito for almost two years then finally ay sa 2017 pa pala ito gagawin ng Star Cinema with Angel Locsin pa rin daw as the lead.

Well, bagay na bagay naman talaga kay Angel ang role na isa sa masasabi nating mangilan-ngilang naging project niya sa TV na tumatak sa kanya. Sa tindig at sa katawan ay perfect talaga sa kanya ang “Darna” kahit sinasabi ng iba na matanda na siya for the role.

Balitang puspusan na ang paghahanda ni Angel para sa “Darna” movie kahit may tinatapos pa itong movie project with Sam Milby and Zanjoe Marudo.

Pursigido rin ang mga doktor nito sa pag-aalaga sa minsa’y naaksidenteng aktres to make sure 100% fit na fit na siya at game nang su-mabak sa mga action routines na ipagagawa sa kanya.

 

Read more...