Allan K sa bashers ni Yaya Dub: Basta si Maine Mendoza siya, superstar siya, tapos!

maine mendoza at allan k

NASAKTO  sa pagbabalik ni Allan K mula sa series of shows sa Canada ang pagsagot ni Maine Mendoza sa panliligaw ni Alden Richards sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Natural, kinilig si Allan sa eksenang ‘yon pero siyempre, may mga social media trolls na duda at umano’y scripted ang nangyari. “Parang totohanan ‘yung…umiyak nga sila pareho eh,” rason ni Allan nang aming makachikahan sa Zirkoh Comedy Bar recently.

Ano ang masasabi niya sa maraming bashers ni Maine? “Pag sikat ka ganoon. Lalo na ma-social media siya. Lahat meron siya. Snapchat, Wazzup, may blog pa siya, Twitter at Facebook,” sagot ng komedyante-TV host.

“You cannot argue with success! Basta siya si Maine Mendoza, tapos. Superstar siya, tapos!” diin ni Allan. Komo nga madalas niyang makita, makaharap at makausap si Meng, ano ang ramdam niya rito?

“Lagi akong naaaaliw dahil napakasimple niyang bata. Parang hindi artista pero may aura. Na ‘yung mama-magnet ka talaga sa charm niya,” saad ni Allan K.

Hindi ba siya nayaba-ngan sa dalaga kahit minsan? “Ay wala! Until now. Saka kung may kilos man siyang mali, maiintindihan mo. Bago ‘yan! One year pa lang. Out of nowhere, dinampot at kinuhang artista. Biglang superstar. Parang Nora Aunor.

“Binigla mo ang bata! Ay, teka lang. Nagbabantay lang naman ako ng gasolinahan namin, di ba? Tapos out of boredom, nagda-dubsmash siya,” chika pa niya.

Ang pagiging natural ang gustung-gusto ni Allan kay Maine, “Effortless saka may comic side talaga siya. Kahit seryoso siya, hindi mo ini-expect na magme-make up.

“Wala siyang alam na sikat na siya eh! Hindi niya alam. Hindi niya alam na one million tweets niya sa araw-araw. Parang trabaho lang siya. Hindi pinapasok sa ulo niya.

“Sa abroad nga nakasama namin siya, wala. Dalhin niya lang ang back pack. Lalakad. Sosombrero. Wala siyang, ‘Baka makilala ako ng fans.’ Wala!” deklara ni Allan K.

Anyway, tuwing Sabado naman ng gabi sa GMA, ang ibang mukha ni Allan ang mapapanood sa Superstar Duets bilang isa sa judges na may pagtataray man, eh may karugtong namang lambing, kaya winner pa rin.

Read more...