TULOY na ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Laos at Indonesia matapos namang kanselahin ang kanyang official visit sa Brunei dahil sa nangyaring pambobomba sa Davao City kung saan 14 ang nasawi, samantalang mahigit 60 ang nasugatan.
Sa isang panayam sa Radyo ng Bayan, sinabi ni Presidential Communications Office head Secretary Martin Andanar na nakatakdang tumulak ngayong araw si Duterte para dumalo sa Association of Southeast Asian Nation (Asean) Summit sa Laos.
“Matutuloy po ang paglipad namin sa Laos kasama po ang ating Pangulong Duterte. Tapos ang magiging caretaker officer po ng ating Pangulo habang nasa ibang bansa ay si Executive Secretary Bingbong Medialdea,
Idinagdag ni Andanar na didiretso si Duterte sa Indonesia pagkatapos dumalo sa Asean Summit.
Nakatakdang bumalik sa bansa si Duterte sa Setyembre 10.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.