Ai Ai kay Gerald: Naluluha ako, tumaas pa ang respeto ko sa ‘yo!

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

SUPER proud si Ai Ai delas Alas sa ga-graduate niyang boyfriend na si Gerald Sibayan na magtatapos sa De La Salle University.

Nag-post ng cap at toga si Gerald with this caption, “Ito na ang pinaka the best na maisusuot ko sa buhay ko para maging proud ang mga taong nakapaligid sakin katulad ng aking magulang at aking darling @msaiaidelasalas.

“Thank you sa pag titiwala, suporta, love at prayers niyo AFTER 5 YEARS maisusuot ko na din itong OOTD na ito. Napakasarap sa pakiramdam at mapapaluha ka ng konti dahil sa sobrang saya. Thank you GOD.”

Sagot naman ni Ai Ai, “I want to congratulate you not just bec you achieved your goals but bec of how you became a man with dignity and integrity. Tumaas ang respeto ko sayo lalo kasi pwede ka namang magtamad tamaran at mag counter strike mag hapon pero inilaban mo na araw araw gumising ng maaga at suungin ang traffic at baha papuntang maynila galing sa QC.

“Dahil gusto mong mag aral, gusto mong makatapos at gusto mong matupad ang pangarap MO AT PANGARAP KONG makatapos KA at maipagmalaki kita sa buong mundo…. And now I want to say to the whole world IAM SO PROUD OF YOU DARLING.

“Congratulations naluluha ako sa kaligayahan and after 21/2 years (remember? Bashmax galore? Hahahah) sasabihin ko ulit. They just know your name but not YOUR STORY. I LOVE YOU SO MUCH!”

Read more...