Boy handang ipa-drug test sina Kris, Ai Ai at Gretchen

BOY ABUNDA AT KRIS AQUINO

BOY ABUNDA AT KRIS AQUINO

PARA  naman kay Boy Abunda, tama lang na sumailalim sa drug test ang mga artista at iba pang personalidad sa showbiz, “If it has to be applied to the business of show, so be it.”

Dagdag pa ng TV host sa isang panayam, “Tayo’y (taga-showbiz) dapat din bilang mga mamamayan.

Kung ito ay isinasagawa sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Madalas tayo’y nagko-complain kung bakit tayo sini-single out. Why would we expect special treatment? So, kung ito ay kinakailangan, bakit hindi gawin?”

At kung magiging requirement daw ito sa kanya bilang talent manager, willing siyang ipa-drug test ang mga alaga niya tulad nina Kris Aquino, Dawn Zulueta, Gretchen Barretto at Ai Ai delas Alas.

Read more...