Joey may babala kay Wynwin… wag munang ipakilala si Mark

WYNWYN AT JOEY MARQUEZ

WYNWYN AT JOEY MARQUEZ

WALANG alam si Joey Marquez tungkol sa chikang may plano na raw pakasalan ng kanyang anak na si Wynwin Marquez ang boyfriend nitong si Mark Herras.

Ayon sa komedyante, na bahagi ng bagong pelikula ng Star Cinema na “Barcelona: A Love Untold” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, wala pa naman daw silang napag-uusapan ni Wynwin about this.

Inamin ni Joey na first time niyang narinig ang balitang nagbabalak nang magpakasal ang anak at si Mark. Hindi pa rin daw niya nakikilala nang personal ang Kapuso actor.

“Kasi mayroon akong rule sa kanila, ‘Huwag niyong ipapakilala sa akin kung sino man ang boyfriend kasi baka mag-away kayo, iwanan kayo, umiyak kayo, hahanapin ko sa kanila. Pakilala niyo sa akin kapag magpapakasal na kayo,” pahayag ni Joey sa panayam ng Tonight With Boy Abunda nitong nagdaang Huwebes.

Dagdag pa ng comedian, “Ang bilin ko rin sa kanila ay makapagtapos kayo ng pag-aaral, maganda iyong hanap-buhay ninyo, kung ano man ang papasukan niyo, nandiyan lang ako sa tabi ninyo. Mas maganda iyong nagkamali kayo at nandiyan pa ako, kaysa kapag wala na ako.”

Dito ay inamin din ni Joey na meron na rin siyang sariling lovelife, “I’m seeing someone. I’m proud to say that I am with someone.”

Read more...