Pagiging TV host ni female star hindi pumasa sa mga bossing ng network

BLIND ITEM FEMALE 0903

THIS is a not so blind item, dahil napakadaling hulaan ang bida sa aming kuwento.

Lumikha ng kontrobersiya ang one-time guesting ng isang sikat na aktres sa pang-umagang programa ng isa pang aktres. Siyempre, itineyp ang episode na ‘yon, obviously dahil sa inaasahan nang kahinaan ng talk show host lalo’t panauhin nga niya ang unang aktres na binanggit namin.

Nairaos naman ang canned episode na ‘yon, pero kinailangan pang panoorin ‘yon ng mga pangunahing tagapamuno ng produksiyon. After watching it, nagkakaisa ang mga bossing: disappointing ang naging performance ng host na hindi naka-level up sa kanyang guest.

Pero may naisip na paraan ang produksiyon, idaan na lang sa editing ang teaser at ang kabuuan ng episode na ‘yon sa araw na ieere ito. Bilin ng mga demigods, “Basta gawin n’yong matalino si ____ (pangalan ng host)!”

Lukang-luka siyempre ang mga naatasang gumawa ng mahika na ‘yon, how could that possibly be?! Oo nga naman, huwag na kasing ipilit pa ng mga taong nag-iilusyon para sa personalidad na ‘yon that she could do well in hosting gayong isa naman siyang aktres.

Bale ba, these production people turned a deaf ear on a much higher god who was right all along in his assessment tungkol sa limitadong kakayahan lang ng aktres na ‘yon.

Kung may “Row 4 malapit sa basurahan” na dialogue si Tita Cristy, siguro naman ay hindi tulo-laway sa pagtulog sa pansitan ang mga hindi makakahula sa blind item na ito.

Read more...