Tinawag na ‘crazy’ ng isang solon si Environment Sec. Gina Lopez dahil sa planong pagpapasara ng mga minahan sa bansa.
Sa pagdinig ng House committee on appropriations kahapon, tinanong ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr., si Trade Sec. Ramon Lopez kung magkano ang halaga ng inaangkat na mineral ng China sa Pilipinas.
Sagot ng kalihim ng DTI, ito ay umaabot sa $600 milyon.
Sunod na tanong ni Pichay, kung magsasara ang lahat ng minahan sa bansa, magkakaroon ba ito ng epekto sa bansa.
Sagot ng kalihim, “Meron po. Hindi po siguro pwedeng isarado lalo na po kung ‘yung policy ay nasa international standards.”
Sumunod na hirit ni Pichay: “It seems you are not united in the Cabinet. There’s one crazy secretary who wants all mining closed.”
Hindi naman direktang pinangalanan ni Pichay ang kalihim ng DENR na nangangampanya laban sa pagmimina.
Kamakailan ay sinuspendi ng DENR ng Claver Mineral Development Corp., isang nickel mining firm sa Brgy. Cagdianao, Surigao Del Norte habang sinusuri nito ang kanilang operasyon.
MOST READ
LATEST STORIES