Ex-staff ni De Lima itinanggi ang P24M bank account

de-lima-31

ITINANGGI ng dating empleyado ni  Sen. Leila De Lima ang ulat na meron siyang P24 milyon sa kanyang bank account.

Ipinost ni Edna “Bogs” Obuyes sa kanyang Facebook na nagulat siya ng idamay siya sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng kanyang dating boss. Si Obuyes ay dating clerk sa Department of Justice (DOJ),

Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na inutusan si Obuyes, at isa pang staff ni De Lima na si Jonathan “Jong” Caranto, na magdeposito ng milyong-milyong piso sa mga umano’y bank account sa Banco De Oro.

Nagkaroon umano si Obuyes ng P24 milyon sa loob lamang ng dalawang taon.

Itinanggi naman niya ang alegasyon.

“Masaya po akong pumasok sa akala kong pipirma po ako ng bagong contract pero laking gulat ko na ang inihain sa harapan ko ay BDO bank receipt amounting to P24 million,” sabi ni Obuyes.

Nagtapos ang kontrata ni Obuyes sa DOj ngayong Hunyo, samantalang hindi na rin pumapasok si Caranto sa  DOJ.

“Ang laman ng statement ko po ay puro pagtanggi na walang katotohanan ang lahat pero bakit ang lumalabas ay against Sen. De Lima na ang statement ko,” sabi ni Obuyes.

Read more...