Ayon sa ulat, nakasakay ang dalawang lalaki at isang babae sa loob ng isang Nissan Frontier Navara (NUI 501) at dumadaan sa Pili st., Brgy. 178 sa Camarin nang simulang paputukan ng hindi pa nakikilalang salarin ang kanilang sasakyan.
Nangyari ang insidente ganap na alas-3:30 ng umaga. Dinala ang katawan ng mga biktima sa morgue.
Sinabi ng mga testigo na nakasakay ang mga suspek ng isang motorsiklo, ngunit nagtago nang ginawa ang pag-atake.
Idinagdag ng pulisya na walang nakitang mga armas sa loob ng sasakyan, bagamat sinabi ng mga nakasaksi na nakita nilang nagpaputok din ang mga biktima.
Sinabi ng isang testigo na nakarinig siya ng 40 putok ng baril.
Makikita sa mga litrato na basag ang mga bintana ng sasakyan at puno ng dugo ang mga upuan.
Sinabi ni PO3 Ryan Rodriguez na wala silang nakitang identification card sa loob ng sasakyan.
Nakakita lamang sila ng isang cellphone at pitaka na may laman lamang na P50.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pag-atake.
Samantala, isa pang pamamaril ang naiulat sa Camarin kung saan patay ang isang Restituto Romero.
Sinabi ng mga testigo na ganap na alas-10:20 ng gabi noong Huwebes nang makita si Romero na naglalakad
pabalik ng kanyang bahay matapos bumili ng sigarilyo nang siya ay pagbabarilin ng isang nakamotorsiklo.
Nakarinig ang mga testigo ng tatlong putok ng baril.
Hindi naman masabi ng mga kamag-anak ni Romero kung ito ay may mga kaaway o sangkot ito sa droga.