Sandara Park kay Aga: He’s still gwapo, kilig na kilig pa rin ako!

SANDARA PARK AT AGA MUHLACH

SANDARA PARK AT AGA MUHLACH

SPEAKING of Aga Muhlach, proud na proud din ang K-Pop superstar na si Sandara Park na finally ay makakatrabaho na niya ang inabutan niyang matinee idol noon.

“He is still gorgeous and gwapo. Kinikilig pa rin ako,” sey ni Sandara na isa sa magiging judge sa bagong talent show ng ABS-CBN na Pinoy Boyband Superstar with Aga, Vice Ganda and Yeng Constantino.

Inamin ng tinagurian noong Pambansang Krung-Krung ng Pilipinas na siya pa ang mas lumabas na mataray at mas istrikto sa pagdya-judge sa mga contestants kumpara sa mga nabanggit na hurado dahil aniya, “Siguro po dahil sa naging training ko. Saka gusto ko talaga makapili ng mahusay at sa tingin ko ay mamahalin ng masa.”

Umaasa si Dara na mas matagal pa siyang makapag-stay sa bansa at sana raw ay makagawa pa siya ng ibang shows dito kahit na marami rin siyang iniwang proyekto sa Korea.

Wala rin itong ibinalita hinggil sa kanyang love life pero ayon sa aming mga ka-Chismackers sa DZMM, meron daw isang non-showbiz guy (pero nasa mundo ng musika) na noon pa masugid na nagpaparamdam sa dalaga.

Read more...