FLASHBACK FRIDAY AKO BA ‘TO? LOVI POE

LOVI POE

LOVI POE

UNANG lumutang ang pangalang Lourdes Virginia Moran Poe o Lovi Poe noong 2004 nang aminin ng kanyang amang si Da King Fernando Poe Jr.. sa publiko na anak niya ito sa dating actress na si Rowena Moran.

Una niyang naging ka-loveteam si Cogie Domingo sa youth oriented show na Love To Love ng GMA 7 pero ang masasabing biggest break niya ay nang kanyang gampanan ang papel na Kristal sa Kapuso series na Bakekang noong 2006. Nakatanggap na rin siya ng maraming acting awards kabilang na ang Best New Female TV Personality sa 21st PMPC Star Awards for TV at New Movie Actress of the Year sa PMPC Star Awards for Movies. Ang unang Best Actress trophy na natanggap niya ay para sa 2010 independent film na “Mayohan.”

Ilan pa sa mga pinagbidahan niyang programa sa GMA ay ang Zaido, Kaputol Ng Isang Awit at La Lola. Nakatakda namang magsimula sa GMA ang bago niyang drama series na Someone To Watch Over Me kasama si Tom Rodriguez.

Read more...