Yen Santos kinilig, nahiya, natakot kay Piolo

yen santos at piolo pascual

SABAY na pumirma sina Yen Santos at Devon Seron ng movie contract sa Regal Entertainment nu’ng Martes kaya naman sila ang latest Millennial Regal Babies ngayon. Kapwa produkto ng Pinoy Big Brother Teen Clash Edition noong 2010 ang kapwa Star Magic artists at nakagawa na rin ng kani-kanilang TV shows.

Pero sa dalawa, ngayon lang nakagawa ng pelikula si Yen habang si Devon ay may nagawa na sa Star Cinema at nakalabas sa Regal movies na “Haunted Mansion” at “I Love You To Death.”

Ayon kay Yen, memorable ang taong 2016 sa kanya dahil sa first time niyang gumawa ng movie, ang “Once In A Lifetime” ng Regal, at first time din niyang bumiyahe sa labas ng bansa. Sa New Zealand kasi sila nag-shoot and no less than Piolo Pascual ang leading man niya, huh!

“I’m very happy to be a Regal Baby po. Kasi siyempre, ang laki ng pasasalamat ko sa Regal. First ever movie ko sa kanila. Ang dami kong first time. First movie, first time ko to shoot out of the country. “Tapos, sobrang nakakataba pa ng puso dahil si Piolo agad ang kasama ko. So parang I am very, very grateful,” saad ni Yen.

So kumusta naman ang shooting nila sa NZ? “Wow, it was an amazing experience. First time kong maka-experience ng winter. And first time kong umarte sa sobrang lamig na lugar talaga! Heto po ‘yung isa sa highlights ng career ko,” sey pa niya.

Aminado si Yen na sa unang paghaharap nila ni Papa P ay hirap na hirap siya. “Nadi-distract talaga ako dahil sobrang guwapo niya! Ha! Ha! Ha! Siyempre nakaka-starstruck dahil Piolo Pascual ‘yon. And before talaga kami mag-shoot, hindi kami talaga nagkaroon ng bonding na makapag-usap. Talagang nagkausap kami sa set na. Talagang nanibago ako,” chika pa ni Yen.

Nailang daw siya dahil hindi naman sila magkaibigan ng aktor, “Hindi ko siya matingnan nu’ng first shooting day namin. May mga eksena kanina, nakailang takes ‘yon dahil hindi ako makatingin sa kanya pero sabi ko, kailangang kayanin!

“Mixed emotions talaga! Nailang na ako, kinilig na ako, nahiya na ako, starstruck ako sa kanya. Limang takes yata ‘yon! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Yen. Pero wala pa silang nakukunang kissing scenes sa New Zealand. Matapos ang ilang araw na shoot, nagkagaanan na sila ng loob ni Piolo and naging smooth na ang shooting nila.

Si Devon naman ay magbibida na sa horror film na “Puwera Usog” na ididirek ni Jason Laxamana. Unknown to many, siya ang unang kapareha ni James Reid na kasabayan din niya sa PBB.

Read more...