Fans nina Liza at Enrique marespeto sa press

liza soberano at enrique gil
NAUNA nang lumipad patungong New York sina Liza Soberano at Enrique Gil for the grand New York ASAP concert on Sept. 3.

Umalis sila noong tanghali ng Aug. 30 at baon-baon ng LizQuen ang kaligayahan at tagumpay nila sa Dolce Amore.

Super touched kami kapatid na Ervin sa fans and supporters nila na na-appreciate at paulit-ulit na ni-retweet ang naisulat nating item dito sa BANDERA na halos nagpaubos na battery ng cellphone ko sa maya’t mayang pagtunog. Ha-hahaha!

Kaya sa mga gaya kong nagmamahal sa LizQuen, maraming salamat din sa inyong lahat. Asahan nating sa susunod nilang project ay magle-level up pa sila. Balitang mamamasyal din ang dalawa sa USA bago bumalik ng bansa.

Well, magandang breather yun dahil matagal-tagal din namang halos everyday silang nagtatrabaho, di ba?

Read more...