Daniel natakot masilipan si Kathryn sa presscon kaya todo hawak sa hita

kathryn bernardo at daniel padilla

KAHIT medyo nailang kami sa pa-emote na sagot ng paborito naming si Daniel Padilla tungkol sa real score or label ng kanilang relasyon ni Kathryn Bernardo, we appreciated his reply.

Talaga lang sigurong ayaw ibandera ni DJ na magsyota na sila ni Kathryn or hindi niya talaga trip lagyan ng kahit anong label kung anumang meron sila ngayon.

Basta sinabi niyang “exclusive” na sila sa isa’t isa ng kanyang leading lady sa pelikulang “Barcelona: A Love Untold” at wala nang puwedeng sumingit o makigulo pa sa kanila period!

Kahit sa pag-level-up ng mga eksena nila sa “Barcelona” ay ayaw ding diretsahing sagutin ni DJ dahil aniya, “More than the kissing scene o anuman, maganda yung istorya ng movie namin.”

Pero si Kathryn mismo ang gumamit ng salitang “kissing scene” na isa nga raw sa highlight ng movie kaya’t kilig na kilig ang kanilang fans dahil para sa mga ito ay long over due na ang kanilang screen kiss. Ha-hahaha!

Well, Star Cinema movie ito at si Inang Olive Lamasan ang direktor nila na kilala nating hindi nagpipilit magpakilig at natural na mabusisi sa lahat ng aspeto ng isang magandang pelikula, so aasahan nating ito na siguro ang boldest at pinaka-intriguing project ng KathNiel.

Besides as what Daniel recently told us, “Five years na kami as loveteam and our supporters and fans deserve a beautiful and a great gift.”

Showing na ngayong Sept. 14 ang “Barcelona” na tinatampukan din nina Aiko Melendez, Ana Capri, Joshua Garcia at marami pang iba.

q q q

All throughout the “Barcelona” presscon last Tuesday ay hindi na nga maitago nina Daniel at Kathryn ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Bukod sa napaka-supportive ni DJ kay Kath sa pagsagot nito sa mga tanong, lagi rin itong nakatingin sa dalaga kapag nagsasalita.

Pero ang pinaka-obvious ay ang hindi pag-alis ni Daniel ng kanyang kamay sa may hita ni Kath. Kung tumagal ng isang oras ang presscon, halos ganu’n din katagal na nakatambay ang kamay ni DJ sa dalaga.

Aba’y kung hindi pa nga sila official at exclusive sa isa’t isa, hindi naman siguro basta-basta magagawa ni Daniel ang ganu’n noh! Ha-hahaha! Feeling ko gusto lang protektahan ni DJ si Kath dahil baka masilipan habang nasa stage.

Read more...