Matrikula sa SUC hindi itataas-CHED

     ched
Tiniyak ni Commission on Higher Education chair Patricia Licuanan na hindi magtataas ng matrikula ang State Colleges and Universities kahit pa nabawasan ang mga nag-enroll dahil sa K to 12 program.
     Sa pagdinig ng House committee on appropriations, sinabi ni Licuanan na mananatili ang halaga ng matrikula na sinisingil sa mga SUC.
     “Certainly, there is no increase in tuition even though we are going through a period when we do not expect large number of enrollees,” ani Licuanan.
     Tinanong si Licuanan ni Kabataan Rep. Sarah Elago na nangangamba na tumaas ang matrikula sa mga SUC dahil sa tumaas na halaga ng pondo na nais ng Department of Budget and Management na kunin sa mga estudyante.
     Sinabi  ni Elago na inaasahan ng DBM na makakokolekta ang 114 SUC ng P43.3 bilyon sa susunod na taon.
     Sa naturang halaga, P7.8 bilyon ang kukunin sa sisingiling matrikula at P4.4 bilyon ay mula sa iba pang babayaran ng mga estudyante.
     “What we are worrying is that our state schools might introduce new and higher fees in the coming year just to meet the internal income target despite the expected lower enrollment. We cannot allow that: there should be a fundamental change in the manner in which the government pushes our public higher education institutions to earn their own income,” ani Elago.
     Ang CHED ay may P13.367 bilyong budget para sa 2017.
30

Read more...