Gerald, Bea huli sa akto habang bumibili ng kotse; super sweet

bea alonzo at gerald anderson

SPOTTED na naman sina Gerald Anderson at Bea Alonzo na magkasama sa magkahiwalay na okasyon.

They were spotted inside a car dealer. Ewan kung sino sa kanila ang may biniling kotse. Lumabas ang photo nila kasama pa ang ilang empleyado ng car dealer at na-post ito sa isang popular website. What’s easily noticeable ay nakahawak ang kamay ni Gerald sa bewang ni Bea.

“Napapadalas nang magkasama ah.” “Nakaangkla ang kamay sa bewang. Sila na nga talaga uli. Goodluck sa second chance.”

“Aba Aba Gerald talagang nakahawak sa bewang ni Bea?! Hmmmm” ‘Yan ang ilang comments sa kanila.

Nakita ring magkasama ang dalawa sa isang sports event recently kung saan kahit umuulan ay nagma-marathon sila. Ang feeling namin ay magdyowa na ang dalawa pero ayaw pa lang umamin. What do you think?

Read more...