Bakbakan ng mga komedyante sa Superstar Duets

superstar duets

SAMANTALA, siguradong mapupuno na naman ng katatawanan ang inyong Sabado night sa pagsisimula ng Superstar Duets sa Sept 3 na isang celebrity singing competition at original concept ng GMA 7.

“I’m really excited and looking forward to this show. I know it’s going to be fun kasi singing contest siya na celebrities ang contestants. Aabangan ko kung paano gagawin ng mga contenders yung performances nila plus yung superstars na makakaduet nila ay magagaling talaga,” sey ni Jen.

Dito maglalaban-laban ang walong celebrity contestants na kinabibilangan nina Mike “Pekto” Nacua, Joross Gamboa, Jerald Napoles, Rita Daniela, Denise Barbacena, Nar Cabico, Divine Grace at Osang. Every week ay iba-iba ang kanilang makaka-duet at magpapasiklaban sa pagbirit.

Magsisilbi namang judges sina Allan K, Aicelle Santos at Christian Bautista, mula sa direksyon ni Bert de Leon. Mapapanood ang Superstar Duets pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.

Alamin ang latest updates tungkol sa Superstar Duets mula sa official website ng GMA Network www.gmanetwork.com at sa official Facebook page ng GMA Network www.facebook.com/GMANetwork

Read more...