Nakakaloka ang pangulo nating si Noynoy Aquino dahil lahat ng bagay ay pinapatulan – walang ginawa kundi ang magpasaring sa mga hindi niya kaalyado.
Bilang pangulo ng bansa dapat sana’y hindi niya hinahayaang magpaksiyon-paksiyon ang mga tao – dapat nga siya ang nagsisimula ng unity, pero ano itong ginagawa niya – talo pa niya ang isang tsismosa.
That’s not healthy for us Filipinos – he must be very sensitive with people’s feelings.
Kung hindi siya mapigilang mag-endorse ng kanyang mga kapartido, dapat ay huwag na siyang mang-insulto ng mga kalaban nila sa pulitika. “Dito sa amin sa Cavite, P-Noy is very unpopular na.
Kasi nga, ilang beses na niyang pinarunggitan ang kampo ng mga Revilla.
Ang gusto kasi niyang mamuno sa Cavite ay ang mga Maliksi.
Wala namang problema sa amin iyon eh, okay lang kung sino ang mamumuno sa amin basta ba parehas ang tingin sa mga Caviteño.
Pero itong si P-Noy palaging sinasabing huwag maniwala sa mga anting-anting o agimat.
Dapat daw ay maliksi tayong lahat.
“Hindi ako maka-Revilla pero I find that statement very off.
Bilang presidente, hindi na dapat siya nagpapakawala ng ganoong mga salita kasi nga presidente natin siya.
Bakit hindi na lang niya sabihin ang mga positive traits ng kanyang mga ineendorso, bakit kailangan pa niyang mang-insulto ng kalaban? Kabastusan iyon.
Gawain iyon ng walang pinag-aralan.
Akala ko ba’y matalino siya at disente?
Nakakahiya ang bayan natin to have a president like him sa mga inaasal niya,” anang isang taga-Cavite na nakausap namin.
Twice na raw kasing ginawa ni P-Noy ito.
Nu’ng una, sa Imus yata at ‘yung sumunod sa Maragondon naman.
Kung kami ngang hindi taga-Cavite we felt slighted for the Caviteños dahil sa inasal na ito ni P-Noy, sila pa kayang mga tagaroon.
“Hindi lang naman sa Cavite nangyayari ito.
Ginawa rin niya ito kay Gov. ER Ejercito sa Laguna.
Nang mag-campaign sila recently sa Kapitolyo ng Sta. Cruz, Laguna binastos din niya si Gov. ER dahil ang minamanok ni P-Noy ay itong si Egay San Luis.
Pinondohan daw talaga ni P-Noy si Egay para matalo si Gov. ER.
Kaso mo, kokonti ang dumating sa campaign nila, wala pa yatang 3,000 katao unlike nu’ng pinroklama si Gov. ER last Monday na more than 20,000 ang dumalo.
Obviously, wala talagang kapana-panalo itong si Egay.
“Imagine, sabihin ba naman ni P-Noy sa speech niyang huwag ipagkatiwala ang lalawigan ng Laguna kay Asyong Aksaya at kung anu-ano pa.
Para siyang bata kung magsalita.
Ganyan ba talaga ang mga Aquino, iisa ang tabas ng dila nila.
Kaya hindi na ako nagtataka kung ganyan ka-tactless si Kris dahil ang kuya niya ay ganu’n din.
“He’s becoming very unpopular now sa amin sa Laguna.
Baka hindi na manalo kahit senador iyang si P-Noy should he ran again in the next polls.
Hindi siya umaastang parang ama ng bayan natin, para siyang barangay kagawad kung magsalita, walang ginawa kundi ang magparunggit!” sabi pa rin ng isang taga-Laguna.