AI AI nagpakasal na kay JED SALANG sa US

aiai delas alasKUMALAT kahapon ang chikang nagpakasal na si Ai Ai delas Alas sa kanyang boyfriend na si Jed Salang.

Ayon sa report, noong April 4 naganap ang kanilang civil wedding sa Las Vegas, Nevada, USA.

Naganap ang nasabing kasalan matapos ngang mapabalita na siyam na buwan na raw buntis ang Comedy Concert Queen.

Kahapon, kumalat din sa Instagram ang mga litrato nina Ai Ai at Jed, pormal na pormal ang damit nila kung saan makikita rin ang kanyang mga anak na sina Sancho, Sean Nicolo at Sophia, kasama ang kanilang amang si Miguel Vera.

Marami ang nagpalagay na kuha ang nasabing mga picture sa ginanap na civil wedding.

Ayon sa isa nating source, nag-propose raw si Jed kay Ai Ai bago mag-Holy Week at agad nagdesisyon na magpakasal.

Ang isang larawan na nakita namin sa Instagram ni Ai Ai ay may caption na,

“FORMAL DINNER… happy day!”

Read more...