HALOS 900 suspek sa droga ang napatay sa harap ng kampanya kontra droga, batay sa pinakahuling datos ng Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP mula Hulyo 1 hanggang Agosto 30, tinatayang 895 na sangkot sa droga ang napatay sa iba’t ibang operasyon ng pulisya sa buong bansa.
Samantala, naaresto naman ng mga pulis ang 12,920 suspek sa droga.
Nauna nang sinabi ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” de la Rosa na umabot na sa 673,978 user at pusher ang sumuko sa mga otoridad.
Base sa pinakahuling datos ng PNP Public Information Office, tinatayang 626,386 user at pusher ang sumuko sa mga pulis.
MOST READ
LATEST STORIES