DOJ nakatakdang repasuhin ang pork barrel probe ng Aquino admin

janet napoles

SINABI ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na rerepasuhin ang ginawang imbestigasyon ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa pork barrel scam.
Idinagdag ni Aguirre na posibleng pinagtakpan ang ebidensiya laban sa ibang pulitiko na umano’y sangkot sa anomalya sa paggamit ng pork barrel.
“What I know is that the DOJ then suppressed evidence against other politicians (involved in pork barrel scam),” sabi ni Aguirre.
Tumanggi namang pangalanan ni Aguirre ang mga tinutukoy na mga pulitiko.
Nauna nang binatikos ang administrasyon ni Aquino matapos kasuhan lamang ay mga miyembro ng oposisyon.
Idinagdag ni Aguirre na nakatakda niyang kausapin ang tinaguriang reyna ng pork barrel scam.

“When Napoles first surfaced, she was brought to Malacañang and Mar (Roxas) accompanied her in Camp Crame. The question is why? They were obviously hiding something,” sabi ni Aguirre.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na muli niyang pabubuksan ang imbestigasyon ng kaso ni Napoles.
“This is part of the President’s platform to rid the government of corruption,” aniya.

Read more...