Basketbrawl: 4 players ng San Beda, Letran sinuspinde ng NCAA

san beda vs letran

PINATAWAN ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ng one-game suspension ang apat na manlalaro kasunod nang mainit na laban ng magkaribal na San Beda at Letran na nauwi sa isang ‘basketbrawl’ nitong Biyernes.

Hindi makapaglalaro para sa Letran Knights sina Jerick Balanza, Marco Sario at Chrisantoni dela Peña kontra St.Benilde Blazers sa Martes habang si Red Lions Jun Bonsubre ay mauupo muna sa muling pakikipaghaharap sa Mapua Cardinals sa Huwebes matapos ang naging desisyon ni commissioner Andy Jao.
Sa isang mas masusing pagsusuri, itinaas sa disqualifying foul mula unsportsmanlike foul ang hatol kay Balanza nang kanyang sikuhin sa mukha si Jomari Presbitero habang nasa isang dead-ball situation may pitong segundo na lang ang nalalabi sa laban na nagtapos sa panig ng San Beda, 83-71.
Ang nasabing insidente ang siyang nagdulot ng komosyon na kinasangkutan nina Bonsubre, Sario, at dela Peña.
Nasa ibabaw pa rin ng team standings ang San Beda sa kartang 11-2 habang bumulusok ang defending champion Letran sa ikalimang diretsong kabiguan at sa peligrong hindi mapabilang sa Final Four hawak ang  5-7 baraha.

Read more...