De Lima pinagbibigti ni Duterte

duterte-delima-file-0822
PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Leila De Lima na magbitiw na lamang sa puwesto o di kaya’y magbigti matapos niyang isangkot sa droga.
“If I were De Lima, ladies and gentlemen, I will hang myself,” sabi ni Duterte sa Tacloban City.
Ito’y matapos namang idawit ni Duterte s De Lima sa umano’y drug matrix sa National Bilibid Prison (NBP).
“The innermost of your core of a female being serialized everyday dapat ka magresign,you resign. Ano ipakita mo sa mga babae, follow me sabihin mo, this is how to be woman of the world,” dagdag ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na  ang driver-boyfriend ni De Lima na si Ronnie Dayan ang siyang may koneksyon sa loob ng NBP.
“Ang driver nya is yung may connection sa loob. That is why sa loob,  saan ka makakakita dito na preso na may night club, may banda, makabili ka ng babae, pwede papasukin lahat, kung ako ang preso, bakit pa ako lalabas, eh andyan na eh…” ayon pa kay Duterte.

Read more...