IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng P4.7 bilyon para mabayaran ang hindi nababayarang pensyon ng mga beterano at mga retirado matapos pangunahan ang paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
“Now for those who were not paid by the previous administrations, actually all of them, for release is P4.7—P4.7 billion for the payment of the total administrative liability arrears of widows and deceased of World War II veterans and AFP retirees who are 80 years old and above,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na naglaan ng pondo para sa 2016 budget bagamat hindi ipinalabas ng administrasyon ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.
“The joint IRR to implement the release has been signed by (Budget) Secretary (Benjamin) Diokno and Secretary Lorenzana. P3.5 billion for the widows,” dagdag ni Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na naglaan naman ng P1.2 bilyon para sa mga retirado ng AFP.
“But automatic from my social fund, it’s automatic P250,000. Hindi ‘yan kasali sa mga ano-ano ninyo. That ‘s purely from me, sa Office of the President. So, and the P20,000 to immediately get hold of the money,” sabi pa ni Duterte.