Gobyerno gagastos lamang para sa military honors para sa pagpapalibing kay Marcos

Bandera . Marcos 032310

SINABI ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi gagastos ni isang kusing ang gobyerno sa pagpapalibing kay dating pangulong  Ferdinand Marcos, maliban lamang sa pagbibigay ng  military honors.

“Ang gastos lang natin ay ‘yung (military) honors . There will be no money spent on transportation of the cadaver. Sa kanila (Marcos family) ‘yon,” sabi ni Lorenzana matapos dumalo sa paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani.
Nauna nang itinakda sa Setyembre 18 ang libing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani bagamat nagpalabas ng 20 araw na status quo order ang Korte Suprema noong Agosto 23.

Read more...