Sen. Binay isinulong ang imbestigasyon sa P200M hajj passport scam

nancy binay

ISINULONG ni Sen. Nancy Binay ang imbestigasyon kaugnay ng pagbibigay ng pasaporte sa mga Indonesian na papunta sa Saudi Arabia para sa Islamic hajj piligrimage, sa pagsasabing inilagay nito sa alanganin ang seguridad ng Pilipinas.

Inihain ni Binay ang Senate Resolution No. 111, na humihiling sa Senado na imbestigahan kung bakit nabigyan ng pasaporte ang tinatayang 177 na Indonesian.

Ayon kay Binay, aabot sa P200 milyon ang anomalya kung saan tinatayang P25,000 ang ibinayad para sa kada isang hajj passport.

“It was reported that this elaborate scheme costs each Indonesian from $6000 to $10,000 each and thus may involve the greasing of hands inside relevant agencies with jurisdiction over the hajj travelers,” sabi ni Binay.

Aniya, nakakabahala ang iligal na pagbibigay ng pasaporte sa mga banyaga sa harap naman ng banta ng terorismo.

“The fraudulent processing and issuance of hajj passports to non-Filipino undermines national security and exposes the Philippines to increasing risk of terrorism,” ayon pa kay Binay.

Nauna nang naaresto ang 177 Indonesian sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na papunta sana ng Saudi Arabia para sa taunang hajj pilgrimage.

Read more...