P50M jackpot sa 6/58 Ultra Lotto nasungkit sa QC

ultra lotto
Sa Tandang Sora, Quezon City tumaya ang nanalo ng P50 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang tumaya sa winning combination na 20-12-02-03-15-22.
Nanalo naman ng tig-P32,740 ang 20 mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P460 naman ang napanalunan ng 1,117 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 16,058 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Biyernes at Linggo lamang.

Read more...