Marami pang Sinnott ang makikidnap | Bandera

Marami pang Sinnott ang makikidnap

- November 03, 2009 - 01:03 PM

TULAD ng nangyari sa tanyag at bantog na si Gracia Burnham, larawan ng katapangan sa gitna ng pagkidnap ng mga Abu Sayyaf, marami pang Sinnot ang madudukot.

Yan ay dahil sa pinabayaan na ng ating mga politiko’t mambabatas ang suporta sa National Police at Armed Forces. Puro dakdak, puro ngakngak, walang gawa.

Nakaiinggit ang training ng US Navy Seals at Green Beret. Kaya din naman ng mga pulis at kawal Pinoy ang training ng mga ito. Hindi naman kakaiba ang armas na dala nila, dahil meron din naman tayo sa ating PNP at AFP. Ang basic firearms ay semi-automatic pistol, assault rifle, sniper rifle at grenade launchers. Meron tayo niyan.

Sa kasaysayan ng US Navy Seals, kaya nilang magligtas ng bihag na ambassador sa gitna ng malawak na civil war. Training lang ang kailangan.

Pinagtatawan lang tayo ng mga intelligence officers ng Visiting Forces Agreement. Alam nila ang puwedeng gawin para mailigtas ang isang bihag. Tayo na lang ang di nakaaalam. Kung magagaling ang ating mga politiko (armchair tacticians pa nga ang mga ito), sila na lang ang ipadala sa Lanao del Norte, tutal, nasa kanila ang pera at wala sa PNP at AFP para sanayin at buuin ang elite group na ala-US Navy Seals.

LITO BAUTISTA, Executive Editor

BANDERA, 110309

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending