Alaska Aces giniba ang Blackwater Elite

SINANDIGAN ng Alaska Aces ang matinding arangkada sa ikalawang yugto ng laro para durugin ang Blackwater Elite, 107-87, sa kanilang 2016 PBA Governors’ Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ipinagpatuloy ni Alaska import LeDontae Henton ang kanyang mainit na paglalaro sa paghulog sa 13 sa kanyang 33 puntos sa ikalawang yugto para tulungan ang kanyang koponan na makalayo at isara ang first half na hawak ang 52-36 bentahe.

Nagtapos din si Henton na may walong rebounds at tatlong assists.

Nag-ambag si Kevin Racal ng 12 puntos habang si Chris Exciminiano ay nagdagdag ng 11 puntos para sa Aces na umangat sa 3-5 karta.

Gumawa si Arthur dela Cruz ng 23 puntos para pamunuan ang Blackwater, na naglaro na wala ang import nitong si Eric Dawson.

Si Carlo Lastimosa ay kumana ng 18 puntos habang sina Riego Gamalinda at Jason Melano ay may tig-10 puntos para sa Elite na nahulog sa 1-7 kartada.

Read more...