AS expected, nag-trending noong Friday ang finale episode ng Dolce Amore. Kasama kami sa milyon-milyong kinilig sa kasalan nina Tenten at Serena (Enrique Gil at Liza Soberano) lalo pa’t totoong “halik” ang ibinigay ng guwapong si Quen sa halata namang in love din sa kanyang si Liza.
At kahit na medyo hindi naitago ng eksena ang “malusog” na katawan ni Enrique sa supposedly honeymoon scene nila, dedma na lang kami dahil gaya ni John Lloyd Cruz, mukhang ayaw namang makipag-compete ng binata sa mga hunk actors na laging nagmumura ang abs.
Lalo pa’t kering-keri naman niyang umarte nang wagas as proven especially by the last few episodes ng Dolce Amore kung saan sa karakter ni Tenten naka-highlight ang mga eksena. Tulad ng seryeng Forevermore na siyang kauna-unahan nilang successful project bilang magka-loveteam, Dolce Amore is another super successful one for them.
Pagpapatunay lamang na given more meaty ones, walang dudang may mauungusan silang mga loveteam sa lahat ng bagay. Here’s congratulating the whole staff and actors of Dolce Amore na tunay namang nagpasaya, nagpakilig at nakatulong magbigay ng masayang gabi sa mga Pinoy bago matulog.
Hmmmmm, ano nga kaya ang susunod na proyekto ng LizQuen? We will see.