NAKAHANAP ng isa pang kakampi ang mga miyembro ng LGBT community sa katauhan ni Cong. Vilma Santos-Recto matapos itong mag-file ng isang house bill na magbibigay proteks-yon sa third sex.
Ayon sa ulat, gusto ng Star for All Seasons na protektahan at tulungan ang mga LGBT members na nabibiktima ng “discrimination, harassment, prejudice and violence.”
Ang House Bill No. 2952 ay naglalayon din na makapagbuo ng protection desks sa mga police station dedicated para sa LGBT community.
“There is an absence of government mechanism or intervention directed to monitor, let alone address, the incidents of discrimination, prejudice and even violence against Filipino LGBT community,” ayon pa sa actress-politician sa kanyang explanatory note.
Dagdag pa niya, “Because of this, many LGBT victims opt not to report the incident for fear of further harassment, prejudicial treatment, or more violent reprisal.”