Scriptwriter ng GMA maangas daw, kinuyog ng fans nina Liza at Enrique

liza soberano at enrique gil

SUZETTE Doctolero, head writer of GMA 7’s fantaseryeng hindi nagre-rate, found herself being bashed dahil sa kanyang hanash sa social media.

At one point, on her Twitter account, she dropped hints na kaya nagtapos ang Dolce Amore ay dahil natalo na ito ng fantaserye nila sa rating. Ano raw? Ayun, kinuyog ng lait ang writer. Talagang left and right ang batikos na kanyang inabot. Hindi naman nagpaawat si Suzette at talagang sinagot ang bashers.

“Ok lang. past time ko laitin ang loser na ‘yan.” “Ang sarap maging troll lol. Ako ang isang ungas bait.” Dalawa lang ‘yan sa mga sagot niya sa bashers. When her rants surfaced in one popular website, mas kinuyog pa siya sa comments section.

“Pinakabastos at mayabang na writer ng GMA! #fact.” “Pikon naman nito. Ignore na lang kasi… #Patola.” “Eh kung sana pagpapaganda ng kwento ng mga shows niya ang inaatupag niya eh di may napala pa si Madam Suzi.” “Maganda talaga ang story ng shows niya. Yun nga lang yung galing niya as a writer mejo hindi nagreflect sa tweets niya.”

But one defended her and said, “TAMA! GANYAN NGA! FIGHT BACK! Ganda ganda ng Encantadia eh! Ano ba yung inaakusang show sa kanya?” Maanghang ang dila ni Suzette pero mas maanghang ang mga fans nina Liza Soberano at Enrique Gil dahil talagang bugbog-sarado siya sa lait.

Most of them ay nagsabi na pagbutihan na lang ni Suzette ang pagsusulat ng kanyang fantaserye para mag-rate ito. Hindi sila naniniwalang tinalo na nito sa rating ang show nina Liza at Quen. Ang alam namin ay ang Probinsyano ni Coco Martin ang katapat ng fantaserye ng Siyete. Hindi kailanman nagwagi ang fantasy series ng GMA sa teleserye ni Coco, ‘no.

Read more...